Advertisement

Coronavirus makukuha ba sa online shopping?

Coronavirus makukuha ba sa online shopping? Coronavirus: Makukuha ba sa online shopping?


Mahilig ka ba mag-online shopping at nag-alala na baka mahawa ka sa virus na kumakalat ngayon sa China? Narito ang sagot ng eksperto sa magpapanatag ng loob mo.


Paano nahahawa sa coronavirus? Maari bang makuha ang sakit mula sa mga package o imported goods mula sa China? Narito ang paliwanag ng US public health institute na CDC o Centers for Disease Control and Prevention.


Paano nahahawa sa coronavirus

Karamihan sa atin ngayon ay nahihilig sa online shopping. At karamihan din ng mga produktong ibinebenta sa mga online shopping sites ay ini-import mula sa China. Kaya naman dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit na novel coronavirus o 2019-nCov ay ito ang naging isang malaking tanong ng mga online shoppers – puwede ko bang makuha ang virus sa pamamagitan ng mga package o imported goods mula China?

Sa isang pahayag ay sinagot ni CDC Immunization and Respiratory Diseases Director Dr. Nancy Messonnier ang tanong na ito.

“In general, because of poor survivability of these coronaviruses on surfaces, there is likely very very low risk of spread from products or packaging that are shipped over a period of days or weeks at ambient temperatures.”

Mababa ang posibilidad na makuha ang virus mula sa mga imported goods

Dagdag na paliwanag pa mula sa website ng CDC, bagama’t limitado pa sa ngayon ang impormasyon tungkol sa 2019-nCov ay natuklasang halos magkasingtulad ang betacoronavirus na taglay ng bagong sakit at SARS. Kaya naman tulad ng SARS ay pinaniniwalaang nagmula rin ang 2019-nCov sa mga paniki o bats. At sa kanilang analysis kung ang 2019-nCov ay halos kapareho lang ng SARS ay maaring pagbasehan ang mga impormasyon tungkol sa naunang sakit.

Ayon nga sa CDC, ang mga coronaviruses ay may poor survivability sa mga surfaces o kagamitan. Kaya naman napakababa ng posibilidad na ang sakit ay maikakalat mula sa mga produkto o packages na nagmula sa China. Lalo pa’t bago makarating dito sa bansa ay aabutin ng ilang araw o linggo ang shipping time ng produkto. Dahil base naman sa pag-aaral ng WHO tungkol sa sakit na SARS ay tumatagal lang ang virus nito sa surface ng isang gamit o object ng dalawang araw.

Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung mag-bebehave ba ang 2019-nCov tulad ng sakit na SARS. Pero ayon pa rin kay CDC Director Messonnier ay wala pa silang natutuklasang kaso sa US ng coronavirus na mula sa imported goods.

“We don’t know if this virus will behave in exactly the same way. But there is no evidence to support transmissibility and there are no cases in the U.S. from imported goods.”

shopping?

Post a Comment

0 Comments